Saturday, October 19, 2013

Studyante ka ba? O naging studyante?

Take time to read this! Worth it!
  • Isa ka ba sa mga studyanteng nag-aaral ngayon?
  • Isa ka ba sa mga studyanteng natutulog lamang sa klase?
  • Isa ka ba sa mga studyanteng tamad mag-aral?
  • Isa ka ba sa mga studyanteng tumatakas/lumiliban sa klase?
  • Isa ka ba sa mga studyanteng puro kalokohan lang?
  • Isa ka ba sa mga studyanteng puro DOTA, inom, gala, at tambay?
  • Isa ka ba sa mga studyanteng puro bf/gf lang ang inaatupag?

Introduction

Bakit ganon?
Kung sino pa yung masipag at gusto mag-aral sila pa yung walang pang-aral.
At kung sino pa yung nabiyayaan na makapag-aral, sila pa yung tamad mag-aral.

Ngunit bakit nga ba ganito? Tila yata baligtad ang pag-inog ng mundo.
Ang daming gustong magkaroon ng edukasyon ngunit wala namang pera ang kanilang magulang  upang sila ay mapaaral.
Tapos yung mga nabigyan ng pagkakataon, ang tatamad naman at minsan ay ayaw pa pumasok.

"Life is unfair and that is given."
Sana binaliktad nalang ang mundo, kung saan nakakapag-aral sana ang mga gusto.

Kaya ikaw? Ikaw? Ikaw? Oo, ikaw nga mismo ang tinutukoy ko, wag ka na lumingon.

Main Content

  • Minsan talaga, nakakatamad di ba?
  • Minsan nakakatamad bumangon sa higaan para pumasok.
  • Minsan nakakatamad mag-review kasi sa haa ng nire-review at minsan sinasabayan mo pa ng Facebook.
  • Minsan nakakatamad pumasok kasi me quiz at exam na naman.

  • Pero tatanungin kita, paano kung tinamad na rin ang mga nagpapa-aral sayo?
  • Paano kung panghinayangan na nilang papasukin ka kasi tinatamad ka at tinatamad na din sila?
  • At paano kung sila nalang ang mag-aaral, ikaw magtatrabaho ka. Tapos tatamadin sila, matutuwa ka ba?

  • Alam mo ba ang hirap na dinadanas ng magulang, kapatid, tita, kamag-anak o kung sino man na nagsusustento sa iyo para lang makapag-aral ka?
  • Alam nyo bang dugo at pawis ang iniaalay nila makapasok ka lamang sa eskwela?
  • Alam mo din ba na tinitiis nila ang lahat ng hirap mabigyan ka lamang ng edukasyon?

Kahit sila ay tulad mo din na gustong matulog maghapon at magpahinga,
pero hindi nila ginagawa yun dahil gusto nila pagpasok mo sa eskwelahan may sapat na
  1. baon ka,
  2. may pagkain ka,
  3. may mai-pamasahe ka,
  4. may disente kang damit,
  5. may magagamit ka,
  6. may pambili ka ng mga requirements at
  7. may pang-tuition pa.
Na minsan pinagmamayabang mo pa sa mga kaklase mo pero di mo alam kung anong hirap ng magulang mo bago nila nabili ito. Di mo ba naiisip yon?

  • Gusto din nila magpahinga pero di nila yun ginagawa, at dahil yun sa’yo.
  • Gusto ka nila mabigyan ng magandang kinabukasan.
  • Kinabukasan na hindi nila nakamit kaya sa’yo na lang nila gusto mangyari ang minsa’y kanilang pinangarap.
  • Kinabukasan na nakamit man nila ay nais din nilang maranasan mo.

Maraming paraan naman ang pambawi sa lahat ng pagod nila sa buong maghapon, isa na dun ay ang makita nilang nagsisikap ka sa pag-aaral.
Ang makita nilang ginagawa mo ang parte mo bilang studyante ay sapat na upang mapawi ang pagal nilang katawan sa maghapong  nilang trabaho.

Ang marinig lang nila ang mga katagang
“Inay Itay nagreview po ako kahapon, kaya nakapasa po ako sa pagsusulit kanina.”
 ay sapat na para maramdaman nilang may pinatutunguhan nag paghihirap nila. Na kahit hindi man ikaw ang highest, ang mahalaga may effort ka at nagsisikap upang makamit ang pangarap nila para sa iyo.

Sana maisip mo ang mga bagay na ito.
  • Subukan mo minsan silang kamustahin kung OK pa ba sila sa trabaho nila.
  • Subukan mo minsang sumama sa trabaho nila at ikaw ang humalili pansamantala sa kanilang trabaho upang malaman mo ang mga nararanasan at pinagdadaanan nila bago ka nila mabigyan ng salaping iyong kailangan sa pag-aaral.

Sana maisip mo ang mga bagay na ito.
  • Maraming studyanteng gustong mag-aral pero di sila nabigyan ng pagkakataon.
  • Halos lahat ng kadahilanan dito ay kahirapan.
  • Kaya ikaw nakakapag-aral ka ay pagbutihin mo.
  • Hindi pa huli ang lahat para magbago, may ilang semester ka pa oh.
  • Bigyan mo naman ng pansin ang pag-aaral.

Conclusion

Di naman masama ang maglaro paminsan-minsan ng DOTA NFS GTA V Dragon Nest, Facebook at kung anu-ano pa. Pero siyempre magandang disiplina ang kailangan.
Sabi nga ni Mirian Defensor, “Discipline is the key to success.
Balanse lang dapat lahat.

… Sana naman wag ka na tamarin sa susunod, ngunit kung sakali mang tamarin ka ulit, isipin mo nalang ang magulang o ang nagpapa-aral sayo, paano kung sila naman ang tamarin sa magpaaral sayo? Di ba?

Matandang kasabihan:
Mag-aral, magsikap, magkaroon ng edukasyon dahil ito lang ang maipamamana ng ating mga magulang na di kailanman maangkin ng kahit sino man.

Tinamaan ka man o hindi sa lathalang ito, sigurado ako may kakilala kang/kapang taong tinamaan nito. Kaya ipabasa mo na din ito sa iba. Malay mo mabago mo ang mundo sa isang click /share lamang ng atikulong ito. Feel free to share it!

Oops, saglit lang magre-review muna ako ahh. ;-)

About

“Yes I am 21 years old, and yes I can change the world.”
- Albert Valdez

Time Start: 11:40 PM 17-Oct-13
Time End: 1:06 AM 18-Oct-13



Tuesday, November 1, 2011

Maria Clara, Nasaan Ka na Nga Ba?

Maria clara, nasaan ka na nga ba?
Ang rikit mo'y hinahanap sa tuwina,
Isa sa mga 'di makabasag pinggan,
Puri at dangal iyong pinag-ingatan.


Ang makita ka'y langit ang nadarama,
Pag kausap ka'y walang kasing saya,
Namamasyal hanggang hapon ay sumapit,
Ngunit, ito pala'y isang panaginip.


D
ahil pagbalik ko sa tunay na mundo,
Di na kita mamasdan sa paligid ko,
Ako'y nagtanan sa iba't-ibang bayan,
Ngunit kahit samyo mo 'di makamtan.

 
Marahil naiwan ka sa'yong panahon
Dahil iba na ang henerasyon ngayon,
Ang ilang kabataan ay nag-iba na,
Kung ano man 'yon, IKAW na ang maghusga.


M
aria Clara, nasaan ka na nga ba?
Kung sa panaginip,  'yoko nang magising pa,
Pero hanggang ngayon ako'y umaasa,
Na kita'y makikita, Maria Clara.



July 16, 2011 1:00pm
MASTERMIND