Tuesday, November 1, 2011

Maria Clara, Nasaan Ka na Nga Ba?

Maria clara, nasaan ka na nga ba?
Ang rikit mo'y hinahanap sa tuwina,
Isa sa mga 'di makabasag pinggan,
Puri at dangal iyong pinag-ingatan.


Ang makita ka'y langit ang nadarama,
Pag kausap ka'y walang kasing saya,
Namamasyal hanggang hapon ay sumapit,
Ngunit, ito pala'y isang panaginip.


D
ahil pagbalik ko sa tunay na mundo,
Di na kita mamasdan sa paligid ko,
Ako'y nagtanan sa iba't-ibang bayan,
Ngunit kahit samyo mo 'di makamtan.

 
Marahil naiwan ka sa'yong panahon
Dahil iba na ang henerasyon ngayon,
Ang ilang kabataan ay nag-iba na,
Kung ano man 'yon, IKAW na ang maghusga.


M
aria Clara, nasaan ka na nga ba?
Kung sa panaginip,  'yoko nang magising pa,
Pero hanggang ngayon ako'y umaasa,
Na kita'y makikita, Maria Clara.



July 16, 2011 1:00pm
MASTERMIND